Narito ang ulat mula sa Minion Philippines, isang grupo sa klaseng Filipino 2 sa ilalim ni Gng. Beverly "Bebang" Wico - Sy ng Philippine Cultural College.
Halina't magsaya. :D
LAKWATSAKLAT
ULAT
MINION PHILIPPINES
PAANO KAMI NAKAPUNTA SA
TINDAHAN NG AKLAT?
uUna, dumaan kami sa maraming paghihirap bago makapunta sa Quezon City, sumakay kami ng 4 na jeep at 1 Tricycle. Ang kabuuang pamasahe namin papuntang Brgy. Pasong Tamo, Quezon City ay Php. 35 bawat isa.
u Pagkatapos, dahil gabi na kami nakarating sa Quezon City, pinalipas namin ang gabi sa bahay ng tita ni Janella Maica Pañares at Mateo Sisters.
uKinabukasan nagkita kami sa Ever Gotesco, Quezon City at doon tumawid kami ng footbridge. Tapos naghintay kami ng ilang minuto ng masasakyan papuntang Hi Top, Quezon Avenue. Bumaba kami sa tapat ng Hi Top at tumawid muli sa footbridge.
uNaglakad kami ng ilang metro at natunton namin ang C & E
Information and Resource Center.
uAng kabuuang pamasahe papuntang tindahan ng aklat ay Php.13 para kina Janella Maica Pañares, Mary Rose Campos at
Jesica Balod. Para sa Mateo sisters ay Php. 48.
KASAYSAYAN
u Ang C&E Publishing Inc. ay naitatag noong 1993. Noong una isa lamang itong negosyo para sa pag-imprenta at nagbabahagi lamang ng mga aklat pang-medikal at agham galing sa ibang bansa.At sila ay may lisensya ng internasyonal na tagapaglathala para sa pagka-copyright ng mga nasabing libro. At sa pagdating ng 21 siglo, ang kumpanya ay nagsimula para sa pagpapalago at pagpapalawak ng sakalw ng kanilang karapatan sa industriya ng negosyo. At dahil sila ay naging kapansin-pansin, lalo pang dumami ang pag-angkat nila ng mga aklat sa mga kilalang tagapaglathala, gayundin na mas pinaigting nila ang muling paglilimbag ng mababa at mataas na aklat sa edukasyon mula sa ibang bansa. AT sa pamamagitan nito ang C&E publishing inc. ay naging una sa industriya ng mga aklat sa Pilipinas lalo na sa pagbibigay ng mas may kalidad na mga aklat sa edukasyon. Ang C&E ay palaging gumagawa ng napapanahon, makabago, kagamit-gamit na mga aklat-aralin, mga aklat para gawing sanggunian at iba pang mga materyal o aklat para harapin ang mga pangangailangan ang pagbasa ng publiko sa pang kalahatan at mga kliyente para sa partikular na akademya.
u Sa Metro Manila, ang C&E Publishing Inc. ay may sarili at pinamamahalaang tindahan ng aklat na matatagpuan sa C.M Recto, Dapitan, Fairview a Valenzuela. Ito rin ay may outlet sa pangunahing lungsod sa bansa na matatagpuan malapit sa mga paaralan. Ang kanilang flagship store na , IRC or Information and Resource Center sa Quezon Avenue, Quezon City, ito ay para maging sentro ng mga estudyante at propesyunal sapagkat may katangian sila ng isang tindahan ng akalat pang- medikal; estado ng display ng sining libro, interactive,online at virtual na mapagkukunan, at mayroon din itong pinagsamang cafe, bakeshop at gourmet restaurant na DOLCELLATE.
Ito ay isinalin ng Minion Philippines mula sa http://cebookshop.com/, http://cebookshop.com/index.php?option=com_content&view=article&id=62&Itemid=150
Ito ay isinalin ng Minion Philippines mula sa http://cebookshop.com/, http://cebookshop.com/index.php?option=com_content&view=article&id=62&Itemid=150
MGA
URI NG LIBRO
uKaramihan ng mga aklat sa C& E Information
and Resource Center ay pang-Medical.
uMatatagpuan sa tindahan ng aklat na ito ang lahat ng aklat sa lahat ng asignatura mula basic to higher na paksa.
uAng kanilang mga aklat ay imported. Nagpapablish din sila ng kanilang mga libro at dinadala sa iba’t ibang bookshop.
uMayroon din silang mga aklat sa Edukasyon.
uMatatagpuan din sa
bookshop na ito ang mga textbooks.
uPagdating sa mga aklat na may kinalaman sa wikang Tsino kakaunti lamang ang mayroon sila.
uMayroon ding mga Law Books.
ADDRESS/LOKASYON
u Maraming branch ang C & E Information and Resource Center. Ngunit ang pinaka-main ay sa Quezon City.
uAng address ng tindahan ng aklat ay 1616 Quezon Avenue
South Triangle, Quezon City.
Oras at Araw ng Pagbubukas
u Sa Quezon City, araw-araw nagbubukas ang tindahan ng aklat . Kahit holiday ay bukas sila. At ang oras ay 8 ng umaga hanggang 6 ng hapon.
u Ngunit sa Nationwide branch ay
9 ng umaga hanggang 6 ng hapon.
OFFICER
IN CHARGE
PINAKAMAHAL NA AKLAT
COLLIER
ON BANCRUPTCY
PUBLISHER: LEXIS
NEXIS
PRESYO: Tumataginting na
Php. 651,478.00
MGA
KASAPI
BALOD,
JESICA
CAMPOS,
MARY ROSE
MATEO,
ANGELICA
MATEO,
KOZZITA
PAÑARES,JANELLA MAICA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento