Lunes, Marso 16, 2015

PANANALIKSIK

PAKSA:  Komparatibong pag-aaral--Magiging epektibo pa rin ba ang mga katangian ng matatandang tagpagturo ng wikang Tsino sa kapwa Pilipino sa kasalukuyan?

      I.  PANIMULA

A.
                PANUKALANG PAHAYAG

            Kung ang mga katangian ng matatandang guro ng wikang Tsino
 ay makikisabay sa henerasyon ngayon , marahil ito ay epektibo pa rin at ang mga katangian naman ng mga batang guro ay angkop sa henerasyon ngayon, mas magiging epektibo ito sa pagtuturo ng wikang Tsino bilang ikalawang wika.

B.              INTRODUKSIYON / PAGLALAHAD NG SULIRANIN

            Sa kasalukuyang panahon ayon sa China Daily Asia (December 20, 2013)
 marami nang paaralan sa ating bansa ang mayroong programa ukol sa banyagang wika at isa sa mga wikang binibigyang–pansin ay ang wikang Tsino dahil ayon sa mga naunang pag-aaral ng Engco Model of Language Forecasting, isang gabay para sa wika, sinasabing ang wikang Tsino ang magiging pinakagamit na wika ng mahigit 6.8 bilyong tao sa hinaharap at ang wikang Tsino ay ang nagungunang wikang isinasalita sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng America, Europe, Asia at maging Africa.

            Isa sa mga resulta ng paglaganap ng wikang Tsino sa ating bansa ay ang paghahangad ng ilang indibidwal na matuto ng nasabing wika. Kaya ayon sa atikulo sa Chinese Daily Asia noong 2012 na may pamagat na Mandarin rises in the Philippines ni Marvin A. Tort isinama ang wikang Tsino sa mga wikang maaaring ituro sa pampublikong paaralan ng sekondarya sa Pilipinas maliban sa wikang Ingles.

             Ayon kay Howard Gardner , isang sikolohista, isa sa mga aspekto na makaaapekto sa pagkatuto ay ang mga katangian ng guro. Sa pagkatuto sa wikang Tsino, lubos na may malaking epekto ang katangian ng guro nito. Sa saliksik na ito, bibigyang-pansin ang mga katangian ng guro na angkop sa pagtuturo ng wikang Tsino sa kapwa Pilipino.

            Ayon sa naunang pananaliksik nina Minghui Gao, isang Associate Professor of Seconday Education sa Arkansas State Univesity USA at Qinghua Liu na isa namang Lecturer ng English sa Beijing Institute of Fashion Technology China na may pamagat na Personality Traits of Effective Teachers Represented in the Narratives of American and Chinese Preservice Teachers: A Cross-Cultural Comparison, upang masabi na epektibo ang isang guro, kailangang may angkop itong katangian sa pagtuturo ng wikang Tsino.

            Sa pag-aaral na ito, bibigyang-linaw kung epektibo pa rin ba sa kasalukuyang henerasyon ang mga katangian ng matatandang guro ng wikang Tsino na may edad mula 40 taong gulang pataas o mas epektibo ang mga katangian  ng mga batang tagapagturo ng wikang Tsino na may edad 25-39 sa piling paaralan sa Metro Manila.

            Dahil sa paglaganap ng wikang Tsino sa iba’t ibang lugar sa mundo, magiging gabay ang pananaliksik na ito upang makisabay ang bansa sa hinaharap.

C.
           MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

            Ayon sa International Journal of Human and Social
 Science nila Mascarenhas, Parons at Burrow-bridge 2010, isang pananaliksik tungkol sa mga katangian ng epektibong guro sa wikang Tsino, mahalaga ang mga katangian ng isang guro dahil makaaapekto ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na sa pagtuturo ng wikang Tsino. Ang babasahin/saliksik na ito ay tungkol sa mga katangiang taglay ng mga guro sa wikang Tsino. Dahil ang pananaliksik na ito ay pagkukumpara ng mga katangian ng matatanda at batang guro ng wikang Tsino magagamit namin ang mga katangiang ibinigay na halimbawa upang maging modelo dahil ayon sa naunang pananaliksik nina Minghui Gao, isang Associate Professor of Seconday Education sa Arkansas State Univesity USA at Qinghua Liu na isa namang Lecturer ng English sa Beijing Institute of Fashion Technology China ang mga katangiang ipinakita sa babasahin ay mga katangian ng karamihan ng mga guro sa wikang Tsino. Sa pamamagitan ng babasahing ito, may sapat na mga impormasyon ukol sa mga katangian ng mga guro ng wikang Tsino , matanda man o bata. Ang mga katangiang nailahad sa pag-aaral na ito ay magiging modelo namin at makakakuha na kami ng mga katangiang maaaring maobserbahan at makalap sa aktwal na pananaliksik.

            Isa pang babasahin na may kaugnayan sa aming pananaliksik ay ang pananaliksik na may pamagat na, Personality and Teaching: An Investigation into Prospective Teachers’ Personality (1966), International Journal of Humanities and Social Science ni Gordon Allport isang sikolohista. Ito ay tungkol pa rin sa mga katangian ng mga guro ng wikang Tsino at ang kahalagahan ng mga ito. Dito ipinapakita ang mga katangian na nararapat para sa mga guro ng wikang Tsino. Ito ay may kaugnayan sa aming pananaliksik dahil makikita dito ang mahahalagang katangian ng guro sa wikang Tsino.

            Ayon pa sa babasahin mula sa EdTeach Review na may pamagat na Top 10 Characteristics of a 21st
 Century Classroom ni Saoma Saxena isang mananaliksik noong December 20, 2013, ipinakita ang mga katangian na dapat mayroon ang mga guro para sa henerasyon na ito. Ayon dito dahil patuloy ang pag-unlad ng mga bagay gaya ng teknolohiya, kinakailangang makisabay ang mga guro lalo na ang matatanda. Ang kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo ay kailangang makisabay sa henerasyon ngayon, gayundin ang mga katangian na makikita sa kanilang pamamaraan sa pagtuturo.

            Sa artikulo sa siningngfilipino.blogspot.com Pebrero 3, 2013, tinatalakay ang mga katangian ng epektibong guro. May kaugnayan ito sa aming pananaliksik dahil inilahad dito kung nagiging epektibo ba ang katangian ng guro sa kasaluyan. Makatutulong ito sapagkat dito malalaman kung ginagamit ang mga katangiang ito ng mga guro sa kasalukuyan. Masasabi din kung ang katangian ng guro ay angkop para masabing epektibo ang isang guro. Makakakuha ang mga mananaliksik ng sapat na impormasyon para magamit sa pananaliksik.

            Isang babasahin mula sa hrsiapo.wordpress.com September 8, 2012 na tungkol sa pagiging epektibo ng isang guro ang may malaking kauganayan sa pananaliksik nito. Dahil dito ipinakita kung paano maging epektibong guro at isa sa mga nakakaapekto ay ang katangian ng isang guro. Magagamit namin ito upang malaman ang mga katangiang kinakailangan ng isang guro at malalaman kung ang mga katangian ng matatanda at bata ay may pagkakapareho.

          Nakapaloob naman sa artikulo sa isang magazine na Sens Public noong Octubre 22, 2009 ang kahalagahan ng katangian ng isang guro para maging angkop sa bagong kurikulum ng makabagong sistema ng edukasyon sa henerasyon ngayon Ayon sa pananaliksik ni Éva Ujlakyné Szucs isang mananaliksik mula sa France na may pamagat na The Role of the 21st Century Teacher, na malaki ang pagbabagong magaganap sa proseso ng edukasyon ngayon at ito ay magbibigay ng bagong karakter sa mga guro.  May kaugnayan ito sa aming pananaliksik dahil nais naming malaman ang mga katangian ng mga matatanda at batang guro ng wikang Tsino at kung ito ay epektibo pa nga ba sa henerasyon ngayon sapagkat mayroon na tayong bagong kurikulum o makabagong sistema ng edukasyon maaaring ang mga matatandang guro ay sumusunod na rin sa makabagong henerasyon.

            Mula naman sa artikulo ng THE NEWS David O. Mckay School of Education noong Agosto 22, 2011  na isinulat ni Teresa Leavitt isang Associate Teaching Professor sa Department of Teacher Education ng the McKay School of Education at Brigham Young University na magagamit namin bilang batis ay tungkol sa epektibong pagtuturo ng mga gurong Tsino sa kanilang mga estudyante Wika ni Teresa Leavitt,  malaki ang pagpapahalaga ng mga Tsinong guro sa programang pang-edukasyon ng mga guro na siyang makakaapekto sa katangian at paraan ng pagtuturo ng isang guro. Ang pananaliksik na ito ay sumasakop sa katangian ng isang matandang guro at batang guro ng wikang Tsino, maaaring ang mga katangian na taglay ng isang guro ng wikang Tsino ay mula sa impluwensiya ng isang programang isinasagawa bago pa man maging isang ganap na guro at ang mga katangiang ito ay labis na pinahahalagahan at isinasagawa ng mga gurong Tsino upang maging epektibo ang mga ito sa kanilang mga estudyante.

             Isa pang babasahin mula sa Reach Every Child na may titulong Top 11 traits of a good Teacher ni Alan Haskvitz isang guro sa Suzanne Middle School in Walnut, Calif , ang may kaugnayan sa aming pnanaliksik dahil tungkol ito sa mga katangian ng isang mahusay na guro. Ipinapakita sa artikulo na ito na ang mga guro ay may mga pagkakapareho rin sa mga katangian. Ang artikulong ito ay magagamit bilang batayan sapagkat ang pananaliksik ay ukol sa katangian ng mga guro ng wikang Tsino na kung saan ang mga katangian na inilahad sa babasahin ay maaring maging halimbawa ng mga katangiang mayroon ang mga guro ng wikang Tsino.           Maaari ring makatulong ang artikulo mula sa blog na Teach Make a Difference na may titulong Teacher Personality ipinapakita dito ang ilang mga katangian ng mga guro.

            Isa naming artikulo mula sa magasin na The Modern Teacher na may titulong Classroom Strategies: “Humor” in Teaching na na isinulat ni Rechilda Ramisco-Cioco isang guro, ito ay tumatalakay sa pagkakaroon ng aktibong klase. Kinakailangan na hindi maiinip ang mga estudyante sa kanilang pagtuturo. Ayon kay Gng. Rechilda, ang mga guro ay dapat na marunong makisama sa kanyang mga estudyante. Maaari niyang haluan ng biro ang kanyang pagtuturo ngunit hindi sobra, ito ay para maibsan lamang ang kainipan ng kanyang mga estudyante. Sinasabi niya rin na ang pagkalagay ng loob ng guro sa kanyang estudyante at ang pagkamasigla sa pagtuturo ay isang mabisang paraan upang maibsan ang kainipan at matinding pag-iingay.

Mula sa The Modern Teacher, isa pang artikulo an gaming nakalap ito ay ang, “Roles of Educational Technology Towards Quality Education” ni Gerry C. De Guzman isang guro, na tumatalakay sa malaking maitutulong ng teknolohiya sa isang guro at kanyang mga estudyante. Ipinapakita sa artikulo na sa pamamagitan ng teknolohiya mas makakasabay ang mga guro lalo na ang mga matatandang guro sa kanilang mga estudyante. Mas magiging epektibo ang pagtuturo kung ang mga estudyante ay nakikihalubilo sa talakayan. Ito ay upang magagamit namin sa aming pananaliksik dahil ito ay ukol sa katangian ng isang guro sa pakikipag-ugnayan sa kanyang mga estudyante.

D.
                LAYUNIN

            Layunin ng pananaliksik na ito na mag-ambag sa linyang pang akademiko sa pagtuklas ng mga katangiang epektibo sa pagtuturo ng wikang Tsino sa kasalukuyang henerasyon. Layunin din na maibahagi ang mga kaalaman sa mga college students na kumukuha at nais kumuha ng kursong pagtuturo ng Wikang Tsino.

            Ninanais rin ng saliksik na ito na maipakita ang katangian ng mga guro ng wikang Tsino at malaman ang mga bagong katangian para maituro nang epektibo ang nasabing wika sa kasalukuyang panahon.

             Layunin pa na mabigyang-linaw kung epektibo pa nga ba ang mga katangian ng matatandang guro sa kasalukuyan. Layunin din ng pananaliksik na ito na magsilbing gabay sa mga interesadong guro na nagtuturo at nais na magturo ng Wikang Tsino dahil ito ay tungkol sa paglilinang ng mga gurong kasapi ng akademikong komunidad.

E.
             HALAGA

             Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil ito ay isang komparatibong pag-aaral ukol sa mga kata-ngian ng matatandan at batang guro ng Wikang Tsino sa kasalukuyan na kung saan makikinabang ang mga guro ng wikang Tsino sa pamamagitan ng mga  bagong kaalaman at ideya. Sa pamamagitan nito , malalaman ng mga guro ang mga katangiang mas angkop sa panahon ngayon sa pagtuturo ng wikang Tsino.

            Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga susunod pang estudyante na kumukuha ng kursong pagtuturo ng wikang Tsino. Sa aming mga mananaliksik, estudyante sa kolehiyo na kumukuha ng kurso ng wikang Tsino sa Philippine Cultural College maging sa ibang paaralan, sa mga mag-aaral na magagamit ito bilang sanggunian at sa iba pang mga guro. Sa mga impormasyong aming nakalap, maaaring makakuha ng bagong ideya ang mga susunod pang mga mananaliksik para sa epektibong pagtuturo ng wikang Tsino sa kasalukuyan at posibleng sa hinaharap.

F.                  KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiBsXEU3yW_wK_pPVkOZuhMtPDFKLzlqGdHKYJuoNCGzn7Cc4-BOVBxoD9oonqY6wSbEFFhKDJTB2wxWu-qE4OEbSgiDC_jWxcB8S7zrM9WUpCIRPe1-4IbkeXqH09xI-lp71mXjq803vOG/s1600/Presentation1.jpg
Ang mga katangian ng isang guro ng wikang Tsino ay babase sa ilang mga konsepto. Isa na rito ang kanyang edad at henerasyon. Sa mga konseptong ito iikot ang pananaliksik. Makikita ang kaugnayan ng bawat konsepto sa pag-aaral na ito. Ilalahad kung ang mga katangian ng matatandang guro ay epektibo pa rin sa kasalukuyang henerasyon. Maikukumpara rin na may mga katangian ang matatanda at batang guro ng wikang Tsino na angkop sa kasalukuyang henerasyon.

            Ang mga katangiang ilalahad sa pananaliksik ay ilan lamang sa mg katangian ng matatanda at batang guro ng wikang Tsino. Ipapakita na ang mga katangian ng matatandang guro ng wikang Tsino, kung nakikisabay sa henerasyon ay angkop o mas ang angkop ang mga katangian ng mga batang guro ng wikang Tsino sa kasalukuyan.

G.                METODOLOHIYA

            Sa pamamagitan ng obserbasyon sa klase ng Wikang Tsino sa ika-8 baitang, makikita ang mga katangian ng mga nasabing guro. Ang mga mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa dalawang guro ng wikang Tsino at kung sila ay pumayag, magse-set kami ng araw at oras para sa obserbasyon at panayam sa isa sa kanilang estudyante. At ito ay gaganapin sa loob ng silid-aralan ng dalawang nasabing guro. Sa naobserbahan at nakapanayam ng mga mananaliksik, maaari na nilang timbangin kung ano ang mas epektibo at magkakaroon ng komparatibong pag-aaral sa mga nakalap na impormasyon. Dito maipapakita na ang mga katangian na aming makakalap ay tunay na taglay ng mga guro sa tulong ng mga estudyante. Dahil kinakailangan ng patunay sa pamamagitan ng obserbasyon kung epektibo nga ba ang mga katangian ng kanilang guro.

            Magsasagawa ng interview sa dalawang mag-aaral na sina Joshua Emmanuel Masbate isang Grade 9 na estudyante na nag-aral ng wikang Tsino nang siya ay nasa ika-7 hanggang ika- 8 baitang sa Caloocan Science High School, 10th
 Avenue Caloocan City at si Abbigail Amarillento, isang estudyante sa kolehiyo ngunit nag-aral din ng wikang Tsino noong highschool sa Tandang Sora National High School, Tandang Sora Quezon City dahil ito ang dalawang pampublikong paaralan na mayroong programa ukol sa wikang Tsino. Kakapanayamin din ang dalawang school administrator mula sa Hope Christian High School (Manila) na si G. Jemmry Velasquez at Philippine Cultural College (Main Campus) na si G. Ying Chiong Kong at dalawang guro sa organisasyon ng mga gurong nagtuturo ng wikang Tsino mula sa Philippine Cultural College (Main Campus), si Gng. Jenny Yu, 65 ang edad na nagtuturo sa ika-7 at ika-8 baitang at si Bb. Jia Yi, 35 ang edad na nagtuturo sa ika-8 baitang . Ang dalawang nasabing guro ay parehong nagtuturo ng Pagbasa sa wikang Tsino. Sila ang oobserbahan ng mga mananaliksik upang makakuha ng impormasyon ukol sa iba’t ibang epektibong katangian ng mga matanda at batang guro. Sa pamamagitan nito, mas maikukumpara ang mga katangian dahil sa mga impormasyong makakalap. Matapos makalap ang mga impormasyon, pagsasama-samahin ito at susuriin ang mga detalye.

            Sa kabuuan, anim lamang ang kapapanayamin ng mga mananaliksik. Dalawang guro mula sa Philippine Cultural College ang oobserbahan sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras sa silid-aralan habang nagtuturo ito, ang lugar na kung saan mas magiging komportable ang guro at estudyante.

H.               SAKLAW

            Sa pananaliksik na ito, mayroon din lamang saklaw ang edad at taon. Para sa matatandang guro sinasaklaw lamang mula 40-pataas ang edad at sa mga batang guro ay 25-39 ang edad lamang. Ang edad na ito ay nakapaloob lamang sa taong 2000 hanggang sa kasalukuyan. Para sa mga batang guro, ang edad ay mula 25 hanggang 39. Ayon sa sarili naming obserbasyon at karanasan na maturuan ng isang batang guro masasabi naming mga estudyante sa kolehiyo na nag-aaral ng wikang Tsino sa Philippine Cultural College (Main Campus) na ang mga batang guro ay mas madaling makitungo sa mga estudyante at ang kanilang edad ay hindi nagkakalayo. Tulad na lamang ng aming guro sa wikang Tsino na si Bb. Natividad Tiu (39 ang edad), siya ang gurong mas nakakaunawa sa amin at hindi siya ganoon ka-estrikto ukol sa pag-aaral namin ng Wikang Tsino. Ito na rin ay dahil sa zero background kami sa kursong ito at sa aming mga edad na nasa 16-20, mahihirap nang matuto ibang wika. Ginagawa niya ang kanyang makakaya at paraan para mas lalo kaming matuto ng wikang Tsino. Samantalang ang matatandang guro ay mula 40-pataas, sa edad na ito ang mga guro ay may sapat nang karanasan hindi lang sa pagtuturo kundi sa kanila ring mga buhay. Maaaring ang mga matatandang guro rin ay makapagbahagi ng mas maraming ideya sa kanilang estudyante sa pamamagitan ng kanilang karanasan.

            Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa dalawang guro sa wikang Tsino na nagtuturo sa Philippine Cultural College (Main Campus), dalawang administrator mula sa Hope Christian High School (Manila) at Philippine Cultural College (Main Campus) at dalawang estudyante ng wikang Tsino sa paaralang Tandang Sora National High School at Caloocan Science High School. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng isang maliit na pagpupulong ukol sa bilang ng mga oobserbahan at kakapanayamin. Sa aming napagkasunduan, nilimitahan namin sa dalawa ang pagkukumparahin dahil sila ang isa sa magandang halimbawa para makakuha ng angkop na resulta dahil ang dalawang Chinese School, Philippine Cultural College at Hope Christian High School ay kabilang sa pinakamatatandang paaralan ayon sa Wikipedia, “List of Chinese Schools in the Philippines na kung saan subok na ang mga guro. At ang Caloocan Science High School at Tandang Sora National High School ay ang dalawang pampublikong paaralan na nag-ooffer ng wikang Tsino sa kanilang curriculum.

            Lahat ng mga saklaw sa pananaliksik na ito ay mga may angkop at magandang karanasan sa mga bagay na kinakailangan sa pananaliksik na ito gaya ng mga datos at impormasyong makakapagbigay ng mga katangiang epektibo sa pagtuturo ng Wikang Tsino at maging ang resulta ng pananaliksik.

I.              DALOY NG PAG-AARAL

            Tinatalakay sa unang parte ng pananaliksik ang mga kaugnay na pag-aaral o literatura. Ilalahad dito ang suliranin na kinakaharap sa pananaliksik. Ipakikita ang ilang katangiang epektibo sa pagtuturo ng wikang Tsino sa kasalukuyan. Dito may dalawang guro ng wikang Tsino na pinagkukumpara, ang mga matatanda na may edad 40-50 at mga bata na may edad na 25-39. Ipapakita ang mga katangian ng matanda at batang guro. Sa unang parte makikita kung gaano nakaapekto ang panahon sa mga katangiang ng mga guro ng wikang Tsino, bata at matanda. Sasagutin kung nakakaapekto ba ang edad upang maging epektibong guro ng wikang Tsino sa kasalukuyan.

            Tinatalakay naman sa ikalawang parte ang mga katangiang magkaiba ang mga matatanda at ba-tang guro ng wikang Tsino. Matapos makalap ang mga sapat na katangian, nagkaroon ng pagkukumpara sa mga katangian, matinding pagkukumpara ang isasagawa upang angkop ang resulta. Dito malalaman at mabibigyang kasagutan kung epektibo pa rin ang katangian ng matatandang guro ng wikang Tsino sa kasalukuyan. Dito makikita ang mga katangiang magkapareho at magkaiba ang mga batang guro ng wikang Tsino sa matatandang guro ng wikang Tsino.

            Sa huling parte naman ay ang pagta-tally ng resulta. Matapos dumaan sa maraming proseso ng pagkukumpara magbibigay ng konklusyon at dito malalaman kung angkop ang panukalang pahayag sa mga lumabas na resulta. Malalaman din kung ang mga inaasahang resulta ay naisagawa.

II. KATAWAN

I.              PAGTUTURO NG WIKA SA KASALUKUYANG PANAHON

             Sa panahon ngayon, marami nang institusyon na nagbibigay-tuon sa pag-aaral ng wika. Mara-ming mga pag-aaral na rin ang naisakatuparan sa pagpapaunlad ng wika. Isa sa mga ito ang wikang Tsino. Ngunit mahalaga ring tingnan ang partisipasyon ng mga guro sa pagpapaunlad ng wika lalo na sa pagtuturo at pagkatuto ng mga estudyante ng banyagang wika. Sa saliksik na ito, bibigyang-diin namin kung paano maging isang epektibong guro ng wikang Tsino sa kasalukuyang henerasyon. Ipapakita ang katangian ng nagdaang panahon at ikukumpara ang mga katangiang ito sa kasalukuyan.

            Ang pananaliksik na ito ay isang komparatibong pag-aaral sa pagitan ng mga katangian ng matatanda at batang guro ng wikang Tsino. Makikita rito ang mga katangiang mayroon ang mga matatanda at batang guro ng wikang Tsino, ang mga pagkakapareho at pagkakaiba. Ilalahad din sa pananaliksik na ito ang mga katangiang epektibo at angkop sa pagtuturo ng Wikang Tsino sa kasalukuyang henerasyon sa Pilipinas.

II.      PAGIGING EPEKTIBO: MGA KATANGIANG EPEKTIBO SA PAGTUTURO AYON SA MGA NAUNANG SALIKSIK

            Sa International Journal of Humanities and Social Science, isang pananaliksik na may pamagat na “Personality Traits of Effective Teachers Represented in the Narratives of  American and Chinese Preservice Teachers: A Cross-Cultural Compariso” ayon kay Gordon Allport isang sikolohista, ang katangian ay mas malawak kaysa ugali. Ito ay dahil mas makatutulong ang katangian ng isang guro kaysa sa kanyang ugali. Ayon naman kay S.G. Callahan isa ring sikolohista, ang isang guro ay nakakatulong para magkaroon ng maayos at maipreserba ang atmospera ng klase at maging maayos ang kanilang pagtuturo.

             Isa sa mga batayan upang masabi na ang isang guro ay epektibo sa pagtuturo ng wikang Tsino sa henerasyon ngayon sa Pilipinas ay ang mga katangian nito. Base sa mga naunang saliksik na may pamagat na
 Personality Traits of Effective Teachers Represented in the Narratives of  American and Chinese Preservice Teachers: A Cross-Cultural Comparison   upang masabi na epektibo ang isang guro, kailangang may angkop itong katangian sa pagtuturo ng wikang Tsino.

           Inilahad sa mga unang pananaliksik na may pamagat na, “Personality Traits of Effective Teachers Represented in the Narratives of  American and Chinese Preservice Teachers: A Cross-Cultural Comparison” at ‘Personality and Teaching:An Investigation into Prospective Teachers’ Personality” at mga babasahin na “Pro/Con: Older vs. Younger Teachers; Which is Better?”, “The Effective Teacher” , “What Chinese Education Can Show us About Teachers Education” at “Teacher Personality. Teach Make A Difference” ang mga katangiang epektibo sa pagtuturo ng wikang Tsino. Sa pagsasagawa ng panayam, pag-oobserba at pagbabasa, nalaman namin na isa sa mga katangian ng isang epektibong guro ng wikang Tsino ay ang pakikibagay, ayon sa isang pananaliksik na may pamagat na  “Personality Traits of Effective Teachers Represented in the Narratives of American and Chinese Preservice Teachers: A Cross-Cultural Comparison”, masasabing mas marunong makibagay ang mga matatandang guro dahil alam nila ang mga ugali ng estudyante at dahil na rin sa karanasan sa pagtuturo, ngunit sa aming panayam sa dalawang administrador at obserbasyon sa isang klase ng wikang Tsino, mas marunong makibagay ang mga batang guro dahil sa henerasyon ngayon. Alam ng mga batang guro ang mga uso sa panahon ngayon at kaya nilang makisabay sa mga hilig ng kanilang estudyante.

            Pangalawa ay ang pakikisama. Ayon  kina Mohonna, Chambers at Wall, 2007  mahalaga ang katangiang ito dahil dito makikita kung may maayos kang pakikisama sa mga estudyante. Dahil sa marami nang karanasan ang matatandang guro, mas alam nila kung paano ang makisama. Ngunit sa kasalukuyang henerasyon, mas marunong makisama ang mga batang guro dahil alam nito kung ano ang hilig ng mga estudyante, dahil na rin sa henerasyon, kaunti lamang ang agwat ng edad ng mga batang guro sa kanilang estudyante.  Sa aming naobserbahan at ayon sa mga estudyanteng nakapanayam mga 20 taon lamang ang agwat ng batang guro ng wikang Tsino sa kanilang mag-aaral kaya hindi ito nagkakalayo ng panahon.

            Ilan pa sa mga katangian ng matanda at batang guro ng wikang Tsino ay ang pagkahumaling sa pagtuturo, pagkamagiliw at kahandaan sa pagtuturo. Sa panahon ngayon, nagkakaroon ng mga bagong paraan gaya ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ang mga guro upang mas maging handa at mas mapabilis ang pagtuturo nang hindi isinasakripisyo ang kalidad nito.

            Sa mga katangiang nasuri, ang pagiging mapagmalasakit at matiyaga sa pagtuturo ay makikita sa parehong guro sapagkat ayon sa aming panayam, ito ay mga pangunahing katangian ng isang epektibong guro ng wikang Tsino. Ito rin ay mabisa at angkop sa pagtuturo ng wikang Tsino.      Ilan pang mga katangiang aming nalaman sa aming pagbabasa, obserbasyon at panayam ay ang mga katangiang
 matiyaga, masipag, pasensiyoso , nakikibagay, maunawain, may pagkahumaling sa pagtuturo,  may passion, pagmamahal, sigasig, masigla, mabait at masiyahin.

            Naniniwala ang mga mananaliksik na isa sa pangunahing batayan upang maging isang epektibong guro ng wikang Tsino ay ang angkop na katangian sa pagtuturo. Kung mayroon nito ang mga guro, hindi lamang ito mahalaga sa pangangasiwa ng klase o pagiging epektibong guro bagkus ang mga katangian ay siya ring makatutulong upang makatuklas ng makabagong paraan sa pagtuturo at mapahusay pa ang pagtuturo ng Wikang Tsino.

A.          KATANGIANG LITAW SA MATATANDANG GURO

            Ilan sa mga katangiang litaw sa matatandang guro ng wikang Tsino na naobserbahan at tampok sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod; Marunong, matiyaga, masipag, pasensyoso, marunong makibagay, dedikado, maalaga, maunawain, may pagmamahal, may pasyon at may disiplina.

        Ang mga katangiang ito ay base sa aming panayam sa administrador ng Philippine Cultural College na si G. Ying Chiong Kong at Administrador ng Hope Christian High School na si G. Jemmry Velasquez. Sila ang aming nakapanayam sapagkat sila ang nakakakita sa pagganap ng mga guro sa kanilang mga papel sa klase. Ito rin ay nakabatay sa aming obserbasyon sa dalawang guro ng wikang Tsino na sina Bb. Jenny Yu: 65 taong gulang siya ang aming nakapanayam sapagkat siya ay nagtuturo ng wikang Tsino ng mahigit na 16 na taon. Ito rin ay ayon sa panayam namin sa apat na mag-aaral na sina Jasmine Fiona Tan: isang grade 8 na estudyante ng Philippine Cultural College, si Yvonne Hong: isang grade 9 na estudyante ng Philippine Cultural College,  Joshua Emmanuel Masbate: isang grade 9 mula naman sa Caloocan Science High School, Abbygail Amarillento: 1st year College sa Philippine Cultural College ngunit nag-aral ng wikang Tsino sa Tandang Sora National High School noong siya ay nasa ika-3 at 4 na taon sa high school. Ang mga nasabing estudyante ay aming nakapanayam dahil sila ang mga estudyante na purong Filipino at Tsino at sila ay nag-aaral at nakapag-aral ng wikang Tsino. Makakatulong ito upang makita ang mga katangiang kanilang naoobserbahan sa kanilang guro sa wikang Tsino.

            Ang mga katangian rin na ito ay nabanggit  sa artikulong “Personality Traits Of Effective Teachers Represented In The Narratives Of American And Chinese Preservice Teachers” na  isinulat nina Minghui Gao, isang Associate Professor of Seconday Education sa Arkansas State Univesity USA at Qinghua Liu na isa namang Lecturer ng English sa Beijing Institute of Fashion Technology China.

            Sa aming panayam sa dalawang administrator sa magkaibang paaralan, natuklasan namin ang mga katangian ng mga gurong nagtuturo ng wikang Tsino sa kanilang paaralan. Wika nila, ang mga katangiang iyon ay pamantayan nila sa mga guro ng wikang Tsino. Ito rin ang mga katangian ng matatandang guro ng wikang Tsino sa kanilang paaralan.

            Isa na rito ay ang pagiging marunong. Ayon kay G. Kong, ang mga matatanda ay marunong. Alam nila kung papaano mangasiwa ng mga estudyante sa loob ng isang klase at alam nila ang kanilang itinuturo.

            Matiyaga rin ang matatandang guro, matiyaga silang gumawa ng mga lesson plan at mga bagay na gagamitin nila sa pagtuturo, pati na rin sa paghahanap ng iba pang paraan sa pagtuturo ng wikang Tsino.

            Base naman kay G. Velasquez, ang mga matatandang guro ay may passion,  gusto nila ang ginagawa nilang pagtatrabaho bilang isang guro ng wikang Tsino. Sila rin ay mas dedikado sa pagtuturo, idini-dedicate ng matatandang guro ang kanilang pagtuturo para sa mga estudyante upang maibahagi ang kanilang kaalaman para sa mga estudyante gayundin ang kahalagahan ng kanilang pagtuturo.

         May pagmamahal din ang matatandang guro ng wikang Tsino. Mahal nila ang kanilang trabaho bilang isang guro.  Mahal nila ang kanilang estudyante at pantay- pantay ang kanilang pagtingin sa mga ito. Wika ng dalawang administrador, ang mga matatandang guro ay nakikibagay sa panahon dahil sila mismo ang tumutuklas ng makabagong paraan at pakikitungo sa kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Nakikibagay sila para makuha nila ang loob ng mga estudyante at magkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa.

.           Isa sa mga katangian ng matatandang guro ayon sa mga estudyanteng aming nakapanayam ay ang pagiging pasensiyoso. Ayon sa aming nakapanayam na sina Joshua at si Jasmine kahit may mga guro nang naiinis at nagagalit dahil sa mga pasaway na estudyante, hinahabaan nila ang kanilang pasensiya.

            Matiyaga din ang mga matatandang guro ayon sa mga estudyante dahil gusto nila na matuto ang mga estudyante.

             Mas estrikto ang mga matatanda ngunit sa tamang oras at panahon. Gaya na lang ng hindi pag sunod sa mga guro o pag suway, pinagsasabihan at nagiging estrikto ang mga guro upang madisiplina ang mga estudyante.

          Ayon kay Jasmine Fiona, ang kanyang matandang guro ay masigasig. Gumagawa ito ng paraan upang maging aktibo sila sa klase. Gaya ng pag papatawa at pagkakaroon ng sense of humor sa pagtuturo ng wikang Tsino.

            Sa aming naobserbahan, ang mga matatandang guro ay disiplinado. Gusto nila na maging disiplinado ang kanilang mga estudyante. Halimbawa, nilalapitan nila ang mga estudyante para maayos ang kanilang pag-upo. Pati ang pagkakapantay pantay ng silya ay kanila ring inoobserbahan. Ang matatanda rin ay maunawain. Nauunawaan nila kung hindi naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang mga itinuturo at kung minsan ay isinasalin nila ang wikang Tsino sa wikang maiintindihan ng mga estudyante gaya ng Filipino at Ingles.

            Maalaga sila sa kanilang estudyante. Ito ay ayon sa mga mag-aaral na nakapanayam at sa aming obserbasyon. Ayon sa pilosopong si
 Nel Noddings sa pananaliksik na tampok ang mga katangian ng guro ng wikang Tsino, isa sa mga nangungunang katangian ng matatandang guro ay ang pagiging maalaga. Kailangang may ganitong uri ng interaksyon ang guro sa kaniyang mga estudyante. Ang naobserbahan namin sa matatanda ay mayroong silang pakialam sa mga estudyante. Kapag alam nilang hindi na nakakasabay ang isang estudyante sa kaniyang pagtuturo, nilalapitan niya ito at gagabayan hanggang sa makasunod ito sa leksyon. Ang tingin nila sa kanilang estudyante ay pantay-pantay. Kung may nahihirapan, lalapitan nila ito at tutulungan.

1.        GAANO ITO KAEPEKTIBO SA KASALUKUYAN?

            Mula sa mga batis ng pananaliksik, masasabing ang mga katangian ng matatandang guro ay epektibo kung ito ay makikisabay sa panahon. Halimbawa nito ay ang pagtuklas ng mga makabagong stratehiya sa pagtuturo na kung saan pati ang kanilang katangian ay mas mapapaigting dahil sa mga approaches na kinalailangan sa pagtuturo sa bagong henerasyon.  Ngunit ayon sa dalawang administrador na nakapanayam kung pagbabasehan ang aktuwal o kasalukuyang katangian ng matatandang guro ng wikang Tsino, may ilan pa rin sa mga katangian ang masasabing hindi nakasasabay sa henerasyon sapagkat bago ito para sa kanila at kinakailangan ng malaking pagbabago sa kanilang mga pamamaraan at pagpapaigting ng katangian upang maging angkop sa kasalukuyang henerasyon.

B.           KATANGIANG LITAW SA MGA BATANG GURO

            Narito naman ang sumusunod na katanigan na mayroon ang isang batang guro ng wikang Tsino: marunong, matiyaga, masipag, pasensiyoso, nakikibagay, maunawain, dedikado, may passion, masigasig at mabait.

            May ilang katangian na galing sa mga artikulong aming binasa mula sa “ Personality Traits of Effective Teachers Represented in the Narratives of  American and Chinese Preservice Teachers: A Cross-Cultural Comparison at “ Personality and Teaching: An Investigation into Prospective Teachers’ Personality.

            Sa aming nakapanayam  na sina G. Kong at G. Jemmry, mayroon silang pamantayan sa pagkuha ng guro ng Wikang Tsino, isa na rito ang mga katangian na isa sa mga pangunahing batayan  nila sa pagtanggap sa kanilang departamento ang halimbawa ay:masipag, matiyaga, may passion, at may dedikasyon.

           
Ayon kay G. Kong, ang mga batang guro ay kinakailangang may passion at pagmamahal sa pagtuturo. Dito makikita kung gusto niya ang kanyang ginagawa. Dahil sa mga ito nagiging epektibong guro ng wikang Tsino ang mga batang guro.

            Ang sumunod ay ang pagiging matiyaga sa pagtuturo. Ayon sa dalawang administrator  at apat na estudyanteng aming nakapanayam, ang batang guro ay matiyaga. Hindi niya alintana ang pagod bagkus AY ginagawa niya ang lahat upang magkaroon ng kaalaman ang kanyang estudyante sa wikang Tsino.

             Masasabi rin nating masipag ang mga batang guro. Ayon kay G. Kong Palagi siyang handa sa kanyang pagtuturo.  Sa pagtuturo niya, laging may bagong pamamaraan ito upang magustuhan ng mga estudyante. Nagbibigay siya ng iba’t ibang aktibidades upang maging masaya ang kanilang klase halimbawa nito ang mga palaro o paligsahan ng dalawang magkaibang grupo sa klase.

         Base narin sa aming obserbasyon masasabi namin ang kahandaan ng batang guro ng wikang Tsino sa kanyang leksyon, siya ay nagpapakita ng kasipagan sapagkat siya ay patuloy na gumagawa ng leksyon at inaaral ito. Nang aming isagawa ang obserbasyon sa klase at matapos nito’y ang  panayam  sa estudyante na si Jasmin aming nalaman na si Bb. Jia Yi ay organisado sa kanyang lesson plan at itoy laging  handa sa kanyang itinuturo. Sa aktuwal na obserbasyon aming nakita kung paano ito nagbigay ng  mga aktibidades sa mga estudyante gaya na lamang ng pagbibigay ng premyo nito sa mga mag-aaral na makakukuha ng tamang sagot sa tanong na mula sa leksyon sa aklat.

            Pasensiyoso rin ang mga batang guro sapagkat ayon sa aming mga nakapanayam na dalawang administrator at dalawang estudyante, ang batang guro ay mahaba ang pasensiya sa kanyang mga estudyante kahit magugulo at maiingay ang mga ito sa kanilang klase hindi ito agad nagagalit. Kapag hindi nakakasabay ang mga estudyante sa mga leksyon, hinahabaan niya ang pasensiya niya sa mga ito. Sa obserbasyon, napansin namin kung paano disiplinahin ni Bb. Jia Yi ang kanyang mga estudyante,ang lakas ng kanyang boses ang indikasiyon   siya ay nag-uutos ng katahimikan sa lahat hangga't maari ay hindi niya ito papagalitan bagkus ay bibigyan niya lamang ito ng warning  sa pamamagitan ng kanyang mga mata at tono ng pananalita.

            May pakikibagay din sa mga estudyante ang mga batang guro. Ayon sa dalawang estudyanteng aming nakapanayam na sina Fiona Jasmine Tan at Yvonne Hong, ang kanilang guro ay nakikibagay upang hindi nakakabagot ang kanilang klase at para hindi malayo ang loob ng mga estudyante sa kanilang guro. Sa kanilang klase inaalam ng guro ng wikang Tsino ang mga hilig ng kabataan at sinasakyan nila ang mga biro ng kanilang estudyante nito habang nagtuturo ng kanyang leksiyon, pagiging kuwela o masiglang pakikipag-usap sa mga estudyante patungkol sa mga bagay na alam nila at ito’y iuugnay sa kanyang leksyon upang mas maging interesado ang mga estudyante na makinig at ibaling ang atensiyon sa kanilang pag-aaral.

            Bilang isang guro mahalaga rin ang pagiging maunawain. Sa aming naobserbahan ang mga batang guro ay masasabing maunawain sapagkat nauunawaan nila ang kanilang mga estudyante. Kung nahihirapan maka-catch up ang kanilang estudyante ay kanila itong  inuunawa at gumagawa ng paraan upang makasabay ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa sa kanilang mga aralin.                    Ayon sa mga estudyante na aming nakapanayam inuunawa sila ng kanilang mga guro kahit sila ay magugulo basta nasa lugar ito.

             Ayon sa dalawang administrator na aming nakapanayam na sina G. Kong at G. Velasquez, ang mga guro ay kinakailangan din na dedikado sa kanilang pagtuturo. Ito ang kanilang inspirasyon upang mas lalo pa nilang paigtingin ang kanilang pagtuturo at mas lalo pang matuto ang kanilang mga estudyante.

            Masigla rin ang mga batang guro sa kanilang pagtuturo. Ayon sa mga estudyanteng aming nakapanayam upang maging maganda at makabuluhan ang kanilang klase, ang kanilang guro ay masiglang nagtuturo ng mga aralin sa pamamagitan ng pag-papasigla nito ng atmospera ng klase base na rin sa aming obserbasyon ang mga mananaliksik mismo ang makapagsasabing, hindi ka aantukin sa klase nito sapagkat ang kanilang mga boses ay pawang gumigising sa aming mga diwa.

2.               GAANO ITO KAEPEKTIBO SA KASALUKUYAN?

       Sa mga katangiang aming natuklasan na mayroon ang mga batang guro ng wikang Tsino, karamihan sa mga ito ay epektiboat angkop sa kasalukuyan. Base na rin sa mga nakapanayam naming administrador, kung ang pinag-uusapan ay ang pagtuturo sa henerasyon ngayon, ang mga batang guro ng Wikang Tsino ay mas epektibo.

III.
             PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA NG DALAWANG PANGKAT

A.                PAGKAKAPAREHO

            Batay sa aming pagsusuri, panayam at pagbabasa natuklasan namin ang iba’t ibang mga katangian ng mga guro ng Wikang Tsino. Aming nalaman na may mga katangian ang mga matatandang guro na mayroon din ang mga batang guro ng Wikang Tsino sa kasalukuyan, ang mga ito ay ang pagiging marunong, matiyaga, masipag, pasensyoso, pakikibagay maunawain, dedikado at may passion sa pagtuturo.

.           Ayon nga kay G.Kong at G.Velasquez ang isang guro ng wikang Tsino ay kinakailangan ang karunungan sapagkat ito ay mahalagang sangkap upang maibahagi ang mga kaalaman  sa iba lalo na sa pagtuturo ng Wikang Tsino.

            Mahalaga rin  ang pagiging matiyaga dahil ito ang katangian upang maging matatag at hindi sumuko sa anumang gawain gaya ng paghahanap ng mga makabagong paraan sa pagtuturo halimbawa nalang ang pag-gamit ng Teknolohiya sa pagtuturo ng mga leksyon gaya na lamang ng pag-gamit ng projector,ipad,laptop at iba pang gadyet na karaniwang ginagamit sa henerasyon ngayon .Sa pamamagitan ng mga kagamitang ito mas mapapadali ang pagtuturo at makadaragdag ng higit na oras para sa leksyon sapagkat hindi na kailangan pa ang aktuwal na pagsusulat , pag-guhit at paglalahad ng larawan na isinasakripisyo ang  oras na dapat igugol para sa aralin.

            Nang aming isagawa ang panayam mula sa estudyante ng mga guro ng Wikang Tsino na aming naobserbahan, napag-alaman namin ang mga katangian ng mga guro mula sa pakikipag-interaksyon nila sa kanilang estudyante .Batay na rin sa estudyanteng si Jasmine Fiona , isang mag-aaral sa klase ni Bb. Jenny Yu (65 yrs old) isang Reading Teacher sa wikang Tsino ,kinakikitaan  ito ng kasipagan sa pagtuturo dahil kahit na pagod na ito kinakaya pa rin nito ang magturo.

            Gayundin ang pagiging mahaba ang pasensiya sa kanila. Sa aming pag-oobserba sa kaniyang klase aming napagtanto na siya ay nakikibagay sa kanyang estudyante tulad na lang ng pangangamusta nito sa kanila at pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makapagsalita sa klase, base rin kay Jasmin ang mga katangian ding ito ay nakikita niya sa kanyang guro na si Bb. Jia Yi (35-39)  isa  ring guro sa wikang Tsino . Ayon din sa panayam kay Joshua Emmanuel Masbate, ang matatanda at batang guro ay parehong mahaba ang pasensya. Isa itong pinakamahalagang katangian ng mga guro ng wikang Tsino dahil ang nasabing wika ay mahirap pag-aralan sapagkat maraming aspekto nito ang kinakailangang matutuhan gaya ng pagsusulat, pagbabasa, pagsasalita at pakikinig.

            Ayon kay G. Velasquez  isa sa pinaka-importanteng katangian ng isang guro ng Wikang Tsino ay ang pagkakaroon nito ng passion sa kanyang propesyon, kung siya ay mayroon ng katangiang ito, hindi niya alintana ang hirap sa kanyang propesyon sapagkat siya ay masaya sa kanyang ginagawa , ito ay kanyang nagiging libangan at hindi isang trabaho lamang, ito ay mahalaga lalo na sa pagtuturo ng wikang Tsino sapagkat hindi madali ang maging guro lalo na ng wikang Tsino dahil may mga kaparaanan na dapat masusing pag-aralan upang ito ay matutuhan gaya ng pakikinig, pagbabasa, pagsulat, panonood ng naiintintihan ang palabas sa wikang Tsino at pagsasalita o pakikipagusap gamit ang wika, lahat ito ay mga aspekto na kailangan bigyang pansin at paunlarin upang maging bihasa sa wikang Tsino kaya naman hindi ito madaling matutuhan sa maikling panahon lamang.

            Para naman kay G. Kong , ang pagiging dedikado ng isang guro ng wikang Tsino ay isa rin sa pinaka-importante at angkop na katangian sapagkat ito ang batayan kung ang isang guro ay may pagmamahal sa kanyang propesiyon. Sa aming panayam sa dalawang administrator nalaman namin na bawat guro sa kanilang departamento, matanda at batang guro ay may mga pagkakapareho sa katangian na nabanggit dahil ito ang pamantayan nila sa pagtanggap ng mga guro ng wikang Tsino sa kanilang departamento.

B.       PAGKAKAIBA

            Sa pananaliksik na ito nagsagawa ang mga mananaliksik ng obserbasyon sa klase at panayam. Ayon sa mga impormasyong nakalap ng mga manaliksik, hindi lahat ng katangiang nabanggit ng mga nakapanayam ay pareho, mayroong ilang katangiang nabanggit na magkaiba ang matatandang guro at batang guro ng wikang Tsino.

            Sa aming naobserbahan at nakapanayam, may nakita kaming anim na katangiang nagkakaiba ang matandang guro at batang guro ng wikang Tsino.

            Para sa matandang guro ng wikang Tsino, ang katangiang mayroon sila na wala sa batang guro ay ang mga sumusunod: disiplina, maalaga at pagmamahal. Ayon sa obserbasyon ng mga mananaliksik, ang mga matatandang guro ay may disiplina sa pagtuturo Sa kanilang pagiging estrikto nadidisiplina ang kanilang estudyante upang mag-aral pa ito nang mabuti. Ang ikalawa ay ang pagiging maalaga. Kung ang estudyante nila ay nahihirapan nang maka-catch up sa klase, nilalapitan niya ito at tinutulungan sa abot ng kanyang makakaya. At ang panghuli ay ang pagmamahal, ito ay ang pagmamahal niya sa kanyang trabaho at mga estudyante. Ang kanyang pagtingin sa mga estudyante ay pantay-pantay.

            Sa batang guro naman ang kanilang katangian ay ang pagiging masigasig, masigla at mabait o mabuti. Ayon sa nakapanayam ng mga mananaliksik, ang mga batang guro ay masigasig sa kanyang pagtuturo. Ito ay ang pagiging masaya sa kanyang ginagawa o itinuturo at gustong-gusto niya ito. Ang ikalawa ay ang pagiging masigla, sa kanyang pagtuturo hinahaluan niya ito ng pagpapatawa at siya ay masaya. Halimbawa sa pakikipagbiruan nito sa kanilang mga estudyante.  Ang pangatlo naman ay pagiging mabait, ayon sa aming nakapanayam ang batang guro ay mabait sapagkat sa pamamagitan nito ang kanyang estudyante ay masiglang nakikinig sa kanya dahil alam nila na kahit na kung minsan ay hindi nila maintindihan ang leksyon maayos niay itong ipapaliwanag.

III.        KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

             Sa mga datos na nakalap, natuklasan at napatunayan ng mga mananaliksik na ang mga katangian ng mga batang guro ng Wikang Tsino ay mas epektibo at angkop sa henerasyon ngayon, ngunit magiging epektibo pa rin ang mga katangian ng matatandang guro ng wikang Tsino kung ito ay makikisabay sa panahon ngayon. Ang mga katangiang natuklasan sa pananaliksik ay mga katangiang epektibo at angkop sa pagtuturo ng wikang Tsino sa kasalukuyang panahon sa Pilipinas.

            Matapos ang masusing pagkalap ng mga datos, nabuo ng mga mananaliksik ang mga rekomendasyong ito;

1.      Dahil sa mabilis na pag-unlad ng panahon, kinalailangan na ang mga katangian sa pagtuturo ng wikang Tsino ay nakikisabay sa henersayon. Kaya naman, nararapat lamang na ang mga guro ng wikang Tsino ay tumuklas ng mga makabagong pamamaraan kung paano ang mangasiwa ng isang klase sa kasalukuyang panahon.
2.      Sa pagtuklas, mabisa ang pagdalo sa mga seminar na may kinalaman sa pangangasiwa ng klase.
3.      Nararapat sa matatandang guro na malaman ang mga uso sa kasalukuyang panahon upang kanilang maibagay ang kanilang mga katangian.
4.      Kailangang tiyakin ng mga guro ng wikang Tsino kung ang kanila bang katangian ay angkop sa kasalukuyan sa pamamagitan mismo ng pagtuklas nito.


       SANGGUNIAN

        Tort, Marvin. Asia Weekly: Mandarin rises in the Philippines. 20 Disyembre 2013.  http://www.chinadailyasia.com/life/2013-12/20/content_15107475.html

           Winkler, Kristel. “ What are the top 5 World Languages in 2050?”. 11 Setyembre 2012. http://fairlanguages.com/what-are-the-top-5-world-languages-in-2050/

    “Pro/Con: Older vs. Younger Teachers; Which is Better?”. 12 Abril 2011. http://chsarrow.com/opinion/2011/04/12/procon-older-vs-younger-teachers/

             Arif, Muhammad Irfa and Rashid, Aqeela, et. al. Personality and Teaching:An Investigation into Prospective Teachers’ Personality. Setyembre 2012. http://www.ijhssnet.com/journals/Vol_2_No_17_September_2012/16.pdf

            Villafuerte, Patricinio V. at Bernales, Rolando A..  Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. 2008. http://siningngfilipino.blogspot.com/2013/02/ang-mga-katangian-ng-epektibong-guro.html

          Éva Ujlakayné Szucs. 22 Oktubre 2009. The Role of teachers in 21st century.  http://www.sens-public.org/spip.php?article667&lang=fr

            Lavitt, Teresa, 22 Agosto 2011. What Chinese Education Can Show us About Teachers Education. The News. http://education.byu.edu/news/2011/08/22/what-chinese-teachers-can-show-us-about-teacher-education/

    Haskvitz, Alan. Top 11 traits of a good teacher. 1 Hulyo 2013. http://reacheverychild.com/blog/2013/top-11-traits-of-a-good-teacher

                Teacher Personality. "Teach Make A Difference. http://teach.com/who/great-teachers-have-personality

           Cioco, Rechilda Ramisco. “The Modern Teacher”,  Classroom Strategies: “Humor” in Teaching, tomo 62, no. 08 (Enero 2014), pp. 301-302.

MGA NAKAPANAYAM AT NAOBSERBAHAN:

Masbate, Joshua Emmanuel. Grade 9 na nag-aral ng wikang Tsino noong Grade 7 at Grade 8 sa Caloocan Science High School. 10th Avenue, Caloocan City.

           Amarillento, Abbigail. 1st year college sa Philippine Cultural College na nag-aral ng wikang Tsino noong 3rd at 4th highschool sa Tandang Sora National High School. Tandang Sora, Quezon City.

          Velasquez, Jemmry. School Administrator sa Hope Christian High School. Buenavidez St. Tondo, Manila

              Ying, Chiong Kong. School Administrator sa Philippine Cultural College ( College Dept.). Jose Abad Santos Ave., Tondo, Manila.

            Yu, Jenny. Guro ng wikang Tsino sa Philippine Cultural College (High school Dept.). Jose Abad Santos Ave., Tondo, Manila.

             Yi, Jia. Guro ng wikang Tsino sa Philippine Cultural College ( High school Dept). Jose Abad Santos Ave., Tondo, Manila.

             Tan, Jasmine Fiona. Grade 7. Estudyante nina Bb. Yu at Bb. Yi sa wikang Tsino sa Philippine Cultural College. Jose Abad Santos Ave., Tondo, Manila.


MINION PHILIPPINES

MGA KASAPI:

MATEO, KOZZITA M.

MATEO, ANGELICA M.

PA
ÑARES, JANELLA MAICA

CAMPOS, MARY ROSE

BALOD, JESICA



PHILIPPINE CULTURAL COLLEGE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento